z
zeldathemes

Isa sa mga pinakamasakit na kasinungalingan sa mundo:

Hindi magbabago yung turing ko sa’yo.

Tangina, paniwalang-paniwala ako grabe. Hardcore pare eh. As in. -_-

1 day ago on May 20th | J | 0 notes
Yung feeling na mas babae pa siyang tingnan sa akin. Huhuh. Saklap talaga, no chance bumangon. :( HAHAHA
credits sa may-ari ng pic.

Yung feeling na mas babae pa siyang tingnan sa akin. Huhuh. Saklap talaga, no chance bumangon. :( HAHAHA


credits sa may-ari ng pic.

4 days ago on May 17th | J | 0 notes

Minsan natatakot akong magpost ng online check kasi baka walang maglike. Hindi sa dahil hindi sila online pero dahil.. wala lang. Hahaha sabaw ako ngayon. Hutaena.

4 days ago on May 17th | J | 0 notes
It’s better to tell the truth and make someone cry than to tell a lie and make someone smile.

Yan! Yan dapat kasi ginagawa mo! Huwag mong intindihin na iiyak ako kapag nagsabi ka ng totoo. Atleast diba, hindi ka na mamomroblema na pagtakpan ang kasinungalingan mo. Okay lang naman sakin eh. Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin na naniniwala ako sa lahat ng mga kasinungalingan mo. Ang gusto ko lang, ang taong tapat. Ang taong mapagkakatiwalaan. Ang taong sasaktan ako hindi dahil gusto niya akong makitang umiiyak pero dahil yun ang tama at nararapat sa akin. Gets mo? Masakit lang kasi kapag pinapaasa ka at alam mo namang wala kang hinhintay. Ang mas masakit pa, alam mo na, umaasa ka pa rin. Paano naman ba kasi ako titigil kung ikaw mismo ang nagtutulak na umasa ako. Sa halip kaya na paasahin mo pa ako, tulungan mo nalang kaya akong makaget-over sa’yo. Para everybody happy. Diba nga, sabi mo BESTFRIENDS tayo? Kahit masakit yun, tinanggap ko. Kahit alam ko na hanggang dun na lang talaga. And I’m proud to say that I’m happy with the connection that we have. Kaya nga diba, pinahahalagahan ko. Eh ikaw? Anong ginagawa mo? Ni hindi mo nga tinutupad mga pangako mo, magawa mo pa kayang tulungan ako? Sa susunod kasi, huwag nang mangangako kung mapapako lang din pala. Sakit lang kasi talag umasa. Alam mo yun? Yung taong pinagkakatiwalaan mo siya pa yung unang taong magtatraydor sa’yo, kaya please lang. Tama na. Ang sakit na eh.

5 days ago on May 16th | J | 2 notes

Nung umamin ka sa kanya…

“Hindi magbabago pakikitungo ko sa’yo. Promise!” Pero ngayon, hindi ka na niya tinetext. Dinadaan-daanan ka na lang.

Lul. Kwento mo sa crocodile, tsong.

5 days ago on May 15th | J | 2 notes
First sem schedule. Huhuhu college na talaga ako. =(( XD

First sem schedule. Huhuhu college na talaga ako. =(( XD

1 week ago on May 13th | J | 3 notes

Mahirap magparamdam sa taong nakahanap na ng bagong kaibigan. Kung dati, magdamag kayong nagtetext, ngayon, pinapadaanan ka na lang niya ng mga GM niya. At patungkol pa dun sa bago niyang kaibigan.

Tch. POTCH? Waw. May endearment pa. Paano na ako? Ang BREGS mo? Haha. Ayy oo nga pala. Baka nga ako na lang yung kumikilala sa’yo bilang bestfriend. Sabihin mo lang kung pagod ka nang makinig sa mga paulit-ulit kong drama. Kasi ako, pagod na rin sa kakaparamdam na nandito pa ako, na buhay pa ako, pero hindi pa rin nagsasawa.

Sabagay, mas magugulat pa ako kung may taong makakatagal sa ugali kong ‘to. At kaibigan kita, kaya susuportahan na lang kita diyan sa Potch mo. Partner mo pala ha? Sige, ganyanan.

1 week ago on May 11th | J | 1 note

Hindi naman sa ayaw kong mag-aral. Nakakawalang-gana lang kasi talaga yung pagcocompare sa akin ng mga magulang ko sa kung sinu-sino. Porke’t mas mataas yung rank at average niya. Haay kasawa.

1 week ago on May 7th | J | 0 notes

Hindi naman ako tsismosa. Usisera lang.

2 weeks ago on May 6th | J | 0 notes

Below the belt.

Yun bang joke lang daw pero hindi nakakatuwa. Syempre wala kang magawa kundi makitawa ka na lang kasi mga kaibigan mo yun. Pero ni minsan ba natanong o tinanong ka nila kung ano yung feeling na tinutukso ng pabiro?

“Sorry ha, ang liit mo kasi. Di ka namin nakita. Hahah.”

Isang halimbawa lang naman yan ng mga tuksong natatanggap ko araw-araw. Oo, alam kong maliit ako at hindi tama ang height ko para sa edad kong 16. Pero mas pinapaliit niyo yung tingin ko sa sarili ko sa mga ginagawa niyo. Pwede bang bigyan niyo na lang ako ng tips para tumangkad? Nakakasakit na kasi eh. Sakit sa bangs. </3

2 weeks ago on May 4th | J | 0 notes