Alam mo yung feeling na ang haba na nung natype ko sa Wattpad tapos biglang nag-crash yung Google Chrome? Ano ‘to? GAGUHAN?! Huhuhuhu. Tinamad na tuloy ako. True story pa naman yun. Ajujujuju. :(( //laslas
AYOKO NA. Dejk. Next time na lang. Aaaaaaaaahhhh! Nakakainis!
I…NEED… AIR…
Oh gahd. The update was…. oh my gahd. Naiihi ako na ewan. Parang sasabog na ang puso ko. Feel na feel kong ako si Barbs, dejoke. Feel na feel ko ang BAYRUS moment! Ito na ang pinakahihintay ko pati din ng mga kapwa BAYRUS ko diyan. Omeged omeged omeged. Sorry Seth, but I want Cyrus for Barbs. You can have me instead. LUL. HAHAHA.
Pero seryoso, kanina pa ako nagpipigil ng kilig dito kasi nasa sala ako at baka kung anong isipin nila Mama kapag makikita nila ang mukha ko. Cyrus is indeed a deep person. Pero ba’t gets ko siya, at hindi siya gets ni Barbs? Kailangan ba talaga ‘yun? *laughs*
Anyways, Ate Leng! Thank you for this wonderful chapter! Ito na talaga ang pinakafavorite part ko ng If I Fall, sa ngayon. Keep up the good work! Pero hindi lahat ng nararamdaman ko ngayon ay puro saya. Bakit? KASI 13 CHAPTERS NA LANG ANG IF I FALL! Huhuhu. :((( Pero oks lang. Sana may book 2!! *evaporates*
Mga common plot ng story sa Wattpad.
Napansin ko lang (observant kasi ako jk), sa mga story sa wattpad na medyo may pagkakapareho ang main plot. Siguro sa bandang gitna or sa end ng story, nagkakaiba. Ang hirap i-explain pero eto.
- Nerd turned into a campus princess/prince
Kadalasan sa mga nakikita ko, eto. Yung binubully siya kasi isa siyang nerd. Tapos may fairy godmother/godfather or whatever ang papasok sa eksena tapos aayusan si nerd para maging maganda/gwapo. Tapos marami ng magkakandarapa sa kanyang taglay na kagandahan/kagwapuhan. And poof! She’s/he’s now a campus princess/prince! The end.
- Good girl gone bad/ Good boy gone bad
Eto naman. ‘Yung binubully din siya kasi nga ‘good girl/good boy’ siya tapos wala siyang magawa kasi nga good siya. Hindi siya makaganti kasi good nga siya. Paulit-ulit? Tapos marerealize niya na kailangan niyang makapaghiganti (kasi hindi na siya good lol), tapos isa na siyang bitch/evil. lol. The end.
‘Yung tipong nagpapanggap siya na isa siyang nerd kasi ayaw niyang may makapansin na siya ang pinakagwapo/pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Ayaw niya ng attention. Kaya, ayan. Nagpapanggap siya. And then may makakadiskubre ng kanyang secret tapos nagkandaleche-leche na ang buhay niya. Haha. Jk.
- Mayaman at heartthrob si boy tapos mahirap at medyo hindi kagandahan si girl
Nasa iisang school si boy at girl. Tapos etong si boy, sikat, anak ng pinakamayamang business man sa buong mundo (OA lang kasi), pinagkakaguluhan ng mga babae na kahit ang mga nahahawakan ni boy na gamit ay pag-aagawan na din (charot!). Tapos eto namang si girl, syempre, poste na dinadaanan lang ni boy. Commoner. Tapos isang araw, pinansin ni boy, naging close sila. At yung mga inggiterang mga froglet naman, naiinis sa kanya kaya binubully nila si kawawang girl.
- Torn between many lovers si girl
‘Yung lahat ng heartthrob at sikat na mga lalaki sa school nila, isama mo na ‘yung mga adik sa kanto, at mga rapist (jk), pinag-aagawan siya. Tapos siya naman, walang mapili kasi lahat sila mahal niya. (OA lang ulit). And then may mangyayari na makakatulong sa kanya na makapagrealize kung sino talaga ang gusto niya. Blablabla.
- May magsyota. Tapos either kina boy or girl ang naka-fixed marriage
Eto naman, kung kailan na sila masaya, nagkatuluyan at lahat na, biglang may susuulpot na balita na fixed marriage si boy/girl kay ganito at ganyan. Pero ayaw nilang magpatalo kaya ang peg nila ay ‘You and me against the world.’ *bow*
- Na-inlove sa bestfriend na may mahal na iba (paranga ko lang lol)
‘Yun nga. Na-inlove sa bestfriend. At siya naman, bilang Ms. Martyr hanggang kamatayan na nagpapaniwala na ‘kung saan siya masaya, masaya na din ako’, pumayag na maging tulay ng bestfriend niya tapos nung mahal ng bestfriend niya. At nung nagkatuluyan na nga ‘yung dalawa, siya naman ulit, bilang Ms. Mapagpanggap 2012, sasabihan si bestfriend na ‘I’m happy for you.’ Tapos magpapakamatay. De, joke lang.
Marami pa sana eh kaso masyado ng mahaba ito. Kaya, enjoy na lang sa kabaliwan ko. Hahah! XD
Para akong timang dito sa harap ng computer. Ngumingiti ng mag-isa. Paano ba naman, nakakakilig kasi yung binabasa ko eh. Huwag ka ng magreklamo. Basahin mo na lang para may karamay ako. Dali na. Please? Nakakatawa na nakakakilig. Hahaha. Ewan. Basta basahin mo na lang. Para marami na tayong timang sa mundo. Ayieee. Babasahin na niya. Hahaha.