Sa love, may mga risk na kailangang i-take. Pero dapat huwag kalimutan na may kapalit na consequences.
Halimbawa…
Sa recitation. Kapag medyo alam mo ang sagot, syempre tataas ka ng kamay. Itatake mo ang risk na tumayo sa klase kahit medyo hindi ka rin sigurado sa sagot mo. At may consequence din yun. Tama yung sagot mo at may plus points ka sa guro mo o mali yung sagot mo at uupo kang walang nakuhang puntos.
Sa bahay. Kapag pinapagalitan ka ni tatay/nanay kahit hindi mo naman kasalanan, itatake mo ang risk na i-explain yung side mo kahit sinasabi ni tatay/nanay na huwag sumagot. May consequences din yun. Pakikinggan ka nila sa sasabihin mo o di kaya’y mas pagagalitan dahil sumagot ka.
Sa tumblr. Itatake mo yung risk ni i-allow yung anonymous questions. At syempre may consequences din yun. Maaaring may manghate sa’yo na anon o di kaya’y may pupuri sa’yong naka-anon kasi nahihiya daw siya.
Marami pang pwedeng i-relate sa love. Take the risk and face the consequences. Nasa sa’yo kung paano mo ihahandle ang sitwasyon. Pero huwag nating kalimutan na everything happens for a reason.
Ang “MOVE ON”, hindi lang dun sa mga taong nasa isang relasyon na gusto na nilang tapusin. Hindi lang din para sa mga taong mag-MU. Para ito sa lahat ng mga taong umiibig at balak ng tapusin ang kung ano mang koneksyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Yung tipong kakalimutan mo na yung mga pangyayaring naganap. Mga pangyayaring nagpasaya, nagpaluha, nagpakilig sa’yo. Alam mo na hindi siya magkakagusto sayo o di kaya’y naging masyadong komplikado ang relasyon niyo.
It’s not that she doesn’t like him. She’s just used to the pain of loving the wrong person. So whenever there’s someone who makes her feel that she’s special, she pushes him away, thinking that she’ll end up hurting again.
Minsan nag-g-GM ka na lang para kahit papaano, mapadama mo sa kanyang nariyan ka pa rin. Umaasang kanyang mapansin.
Do you know the word DESTINY? Of course! All of us are waiting for that. Every love story is happening because of destiny. I mean, it’s cupid’s way of letting you and your soul mate to be together. But not all destined person are together forever. There are circumstances that you have to face. Both of you. Challenges here, sacrifices there, but even if you think you’re really destined to be together, no one can break God’s plan. If His plan is.. let’s say, opposite to what you two believe, even you cross the deepest ocean, climb the tallest mountain, or do the impossible things, still, you can’t break His plans. Because God knows best. He’s not making problems if you can’t make it, right? Break-ups are made not to make you suffer but it’s made to lead you to who the right person is. But always remember, that Destiny won’t work without EFFORTS. Hope you can find your destiny and be happy forever. :))
- Best friend lang ang turing sayo
- May mahal na iba
- Hindi alam ang nararamdaman mo
Eh paano na kung nagsama pa yung tatlo? Best friend mo na nga, may mahal pa na iba at hindi niya alam ang nararamdaman mo. Mas mahirap. Lalo na kung ikaw pa yung takbuhan niya, tagasalo sa kaniya, sumbungan niya. Pero sa kabila nun, tinutulungan mo pa rin siya dahil mahal mo siya. O baka naman nabulag ka lang?
Ano ba ang gagawin mo? Mananatili ka na lang bang best friend niya? O sasabihin sa kaniya ang totoo mong nararamdaman at aasa na baka may nararamdaman din siya para sa’yo?
Eh paano kung hanggang BEST FRIEND ka lang talaga?
Trip lang pala.
Ang sakit malaman na kaya ka niya niligawan kasi pinagtripan ka lang niya. Ang mas malala pa, may pustahan pa. Akala mo, mahal ka niya. Akala mo, seryoso siya. Akala mo, hindi siya katulad ng ibang lalaki diyan sa tabi-tabi. Eh paano ba yan? Hanggang akala na lang pala. Tapos sa iba mo pa malalaman.
Para sa kanila, masaya kasi napagtripan ka nila. Para sa kanila, hindi masakit kasi hindi sila ang napagtripan. Para sa kanila, ang OA mo kapag iiyak ka kapag nalaman mo ito kasi hindi nila alam ang feeling pag sila ang nasa posisying yun.
Bakit kasi sa lahat ng laruan sa mundo, marami pa rin ang pinipili ang damdamin para lang paglaruan. Tapos kung sila naman yung paglalaruan, magagalit din sila. Kaya dapat, inisip nila kung ano ang mararamdaman nila kung sila ang nasa sitwasyon. Dapat, nilagay sa tamang lugar ang pag-iisip. Hindi yung basta-basta na lang paglalaruan ang damdamin ng iba para lang magpasaya sa kanila. Try nilang umibig ng seryoso, sobra pa sa saya ang madarama nila.
Sa ngayon, ayaw kong magkaroon ng bf. At ilang ulit na akong tinanong ng mga kaklase ko kung kailan ba daw ako magkakaroon? As if naman may nanliligaw no? Hahaha, pero kapag meron, sorry siya, busted na siya kaagad. Ayaw ko kasi muna pumasok sa buhay pag-ibig chuchu na yan. Mas gusto ko kasi hanggang crush lang. Mas nakakakilig kasi..
- Pag tiningnan ka ni crush.
- Pag kinausap ka ni crush.
- Pag may binigay sayo si crush.
- Pag may moments kayo ni crush.
- Pag sweet kayo ni crush.
- Pag sabay kayo papunta sa school.
- Pag sabay kayo umuwi.
- Pag nalaman mong crush ka rin niya.
Eh paano kung naging bf/gf mo siya? Diba hindi na nakakakilig.
- Pag tiningnan ka ng bf/gf mo. So what?
- Pag kinausap ka ng bg/gf mo. So what?
- Pag may binigay ang bg/gf mo. So what?
- Pag may moments kayo. So what?
- Pag sweet kayo. So what?
- Pag sabay pumunta sa school. So what?
- Pag sabay kayo umuwi. So what?
- Pag sinabihan ka ng I LOVE YOU. ISANG MALAKING SO WHAT?
Kaya, ayoko muna. Kasi, kapag naging kami, nawawala ang kilig factor.
Bakit ba natin iniiwasan ang mga taong nagmamahal sa atin at minamahal ang mga taong iniiwasan tayo? Para atang baliktad eh. Pero para sa akin, mas magandang mahalin ang taong nagmamahal sayo kesa sa taong iniiwasan ka kasi, yung taong hinahabol mo, eh may hinahabol din. So, maghahabulan na lang ba kayo? Eh meron namang naghihintay sa pagmamahal mo. Sabi nga diba sa isang quote ni Bob Ong na:
Bakit pa hihintaying bumalik ang elevator, eh meron namang hagdan na naghihintay na gamitin?
Tama diba? May mga taong totoong nagmamahal sayo. Yung bubuo sa pinakahihintay na love story mo. Kulang na lang eh, ibigay mo sa kanya ang pagmamahal mo.
Paano ka makaka-move on kung palagi kang nagre-reminisce ng mga moments niyo together? Paano ka maggiging okay kung kinukulong mo ang sarili mo sa past? Okay. Let’s say na mahal na mahal mo talaga siya. Pero, GIVE YOURSELF A BREAK. Mahalin mo rin sarili mo! Iniwan ka na niya! Hindi na siya babalik!
Hindi sa nagmamarunong ako. Ang akin lang, nasasaktan din kami kapag nakikita ka naming ganyan. Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan sa pagkawala niya? Nasaktan din kami! Alam mo kung bakit? Kasi unti-unti ka ding nawawala sa amin!
Hindi ko rin sinasabi na itigil mo na yang pagmamahal mo sa kanya. Hindi ko rin sinasabi na kalimutan mo na siya. Let time and God heal you. Sinasabi mo, nasasaktan ka na. Eh ikaw lang naman yung nagpapalala sa nararamdaman mo eh.
Bakit di mo subukang buksan ulit ‘yang puso mo? Hindi ko gagamitin yung tagline na ‘Marami pang iba diyan. Makakahanap ka rin.’ Kaya ka siguro iniwan dahil may bagong tao ang dadating. May bagong taong kukumpleto diyan sa puso mo. Magtiwala ka lang. Dadating ‘yan.